“Handog sa Bagong Katipunan”
Sa paglinang ng pambansang kaalaman at kamalayan, natatangi lamang na magkaroon ng isang gabay, isang timon upang makarating ang bansa sa pampang ng pag-unlad at pagkakaisa. Isa sa mga makabuluhang diskursong pang-akademiko ay ang pantayong pananaw na pinasimulan ni Dr. Zeus Salazar. Bukod sa pagiging paksa sa loob ng pamantasan, ang pantayong pananaw rin ay natatangi dahil isa itong “talastasang bayan,” ibig sabihin, ang pagtalakay sa pantayong pananaw ay isang kolektibo at sama-samang pag-alam, pagbatid, pagtalos, o pagtanto sa anumang ideya o kaisipan sa hangaring mapapino o mapahusay ito.

Sa panahon ngayon, kinakailangang makibagay at sumabay ang diskuro at talastasan ng pantayong pananaw sa isang nagbabagong mundo ng teknolohiya at impormasyon. Kinakailangan ang iba’t-ibang mga kagamitan at kaalaman upang mas lalong mapagtibay, maikalat, at maipalaganap ang diskurso ng pantayo. Sa harap ng mga hamon at ingay ng globalisasyon at neokolonyanismo, nararapat lamang na bigyang tinig ang pantayong pananaw. Isa sa mga halimbawa ng pagkakaisa ng teknolohiya at talastasan ay ang web site ng Wikipilipinas, Filipiniana.net, Bagong Kasaysayan, at iba pa.
(more…)